Ayon sa mediang Pranses nitong Linggo, Oktubre 1, 2017, ipinatalastas ng "Islamic State (IS)" na siya ang nagsagawa ng pagsalakay nang araw ring iyon sa Marseille, lunsod sa katimugan ng Pransya. Ito anito ay bilang ganting-salakay sa paglahok ng Pransya sa aksyong militar na pinamumunuan ng Amerika sa Syria at Iraq.
Sinabi ni Gerard Collomb, Ministro ng Suliraning Panloob ng Pransya, na posibleng naging isang "teroristikong aksyon" ang nasabing insidente. Isinagawa na aniya ng kaukulang departamento ang imbestigasyon sa identidad ng may kagagawan ng insidente.
Salin: Li Feng