New York, Estados Unidos--Inilagay Martes, Oktubre 3, 2017 (Local Time) sa half mast ang pambansang watawat sa Times Square bilang paggunita sa mga biktima sa pamamaril sa Las Vegas, Nevada na naganap gabi ng Oktubre 1.
Napag-alamang di-kukulangin sa 59 katao ang napatay at 527 iba pa ang nasugatan sa nasabing pamamaril. Walang kasamang Tsino at Pinoy sa trahediya.
Ipinahayag ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang matinding kondemnasyon sa nasabing pinakamadugong mass shooting sa kasaysayan ng bansa. Hiniling din niya sa sambayanang Amerikano na magbuklod.
Nagpakamatay ang 64 taong gulang na suspek na si Stephen Paddock, matapos mamaril ito sa country music festival sa Mandalay Bay Hotel.
Salin: Jade