Lunes, ika-13 ng Hunyo, 2016, sa kanilang magkasamang pakikipagtagpo sa mga mamamahayag, kapuwa nagpahayag ng pakikidalamhati sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya sa malaking kasuwalting dulot ng pamamaril sa Orlando, Florida, Amerika.
Sinabi ni Li na tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng porma ng marahas at teroristikong aksyon. Nagpahayag siya ng taos-pusong pakikidalamhati at pangungumusta sa mga biktima at kanilang kamag-anakan.
Nagpahayag naman si Merkel ng pagkagimbal sa naturang insidente ng pamamaril. Sa ngalan ng mga mamamayang Aleman, nakidalamhati siya sa mga nasawi, at kinumusta ang kanilang kamag-anakan.
Salin: Vera