|
||||||||
|
||
Ayon sa panig pulisya ng Las Vegas, Nevada sa Amerika kahapon, Oktubre 2, 2017, di-kukulangin sa 59 katao ang napatay at 527 iba pa ang nasugatan sa naganap na madugong pamamaril sa lunsod na ito.
Sinabi ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na hanggang sa ngayon, wala pang ebidensyang nagpapakitang may kaugnayan ang nasabing pamamaril sa pandaigdigang teroristikong organisasyon.
Nabatid na ang nasabing insidente ay naging pamamaril na may pinakagrabeng kasuwalti sa modernong kasaysayang Amerikano.
Bumigkas ng talumpati Lunes si Pangulong Donald Trump ng Amerika na buong tinding kinondena ang pamamaril. Nanawagan din siya sa mga mamamayang Amerikano na magkaisa upang harapin ang tradehiyang ito. Bukod dito, nagpahayag siya ng pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima at ng pasasalamat sa mga rescue members.
Tungkol sa malaking human casualty na dulot ng pamamaril, sa mansaheng ipinadala Lunes ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Trump, ipinahayag ni Xi ang lubos na pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayang Amerikano. Nagpahayag din siya ng pakikidalamhati sa mga nasawi sa pamamaril.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |