Inilabas Martes, Okture 3, 2017 ng Kagawaran ng Pinansiya ng Pilipinas ang pahayag para katigan ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at "Belt and Road" Initiative.
Ipinahayag ng panig Pilipino na pasusulungin ng AIIB at "Belt and Road" Initiative ang pagiging mas komprehensibo at balanse ng kalakalan sa rehiyong Asyano. Anito pa, magdudulot ang mga ito ng pangmatagalang kapakanan sa mga kasangkot na bansa.
Bukod dito, ipinahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na malaki ang espasyo ng Pilipinas at Tsina sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Umaasa aniya siyang patuloy na pahihigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa negosyo at pamumuhunan.
Sinang-ayunan kamakailan ng AIIB na ipagkaloob sa Pilipinas ang mahigit 200 milyong US Dollars pautang para katigan ang konstruksyon ng proyekto ng pagpigil sa baha sa Manila.