Ipinatalastas Lunes, Oktubre 2, 2017, ng Kagawarang Pandepensa ng Pilipinas na mula ika-2 hanggang ika-11 ng kasalukuyang buwan, idaraos nila ng hukbong Amerikano ang ensayong militar na pinamagatang "Cooperation of Warriors of the Sea." Ito ay ika-3 beses na pagsasanay na militar ng Pilipinas at Amerika sa taong kasalukuyan.
Ayon sa panig militar ng Pilipinas, layon ng nasabing pagsasanay na pataasin ang kakayahan ng Pilipinas at Amerika sa paglaban sa terorismo, at gawaing panaklolo. Gaganapin ang ensayo sa pitong (7) lugar ng Luzon Island. Nabatid na 900 sundalong Amerikano ay lumahok sa pagsasanay.
Sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte, gawing tema ng nasabing ensayong militar ng dalawang bansa ang paglaban sa terorismo, makataong tulong, at disaster relief work.
Salin: Li Feng