Ipinahayag Miyerkules, ika-27 ng Setyembre, 2017, ni Kalihim Delfin Lorenzana ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas, malaki ang posibilidad na malipol ang mga armadong tauhan sa Marawi, sa loob ng tatlong araw, at bigyang-wakas ang digmaang tumagal ng mahigit 4 na buwan sa nasabing lunsod.
Aniya, tiniyak ng panig militar na di-kukulangan sa 100 tao ang bilang ng mga natitirang armadong tauhan, at posibleng ilang hektarya lang ang sonang kinokontrol nila.
Sinabi ni Lorenzana na isa pang sundalo ang nasawi kamakailan, at 15 iba pa ang nasugatan. Ayon sa pinakahuling datos ng panig militar, sapul nang simulan ang digmaan, lampas sa 150 sundalo ang namatay sa sagupaan.
Salin: Vera