Natapos kahapon, Sabado, ika-7 ng Oktubre 2017, ang dalaw na pangkaibigan ng plota ng hukbong pandagat ng Tsina sa Thailand.
Dumating noong ika-4 ng buwang ito sa Sattahip, Thailand, ang naturang plotang binubuo ng tatlong bapor.
Sa pananatili roon, bukas ang mga bapor sa pagbisita ng mga mamamayang Thai. Gumawa naman ng courtesy call si Shen Hao, Komander ng plota, kay Prawit Wongsuwan, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulan ng Thailand. Binigyan ng kapwa panig ng positibong pagtasa ang relasyon ng mga tropa ng Tsina at Thailand, at ipinahayag ang pag-asang ibayo pang palalalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai