|
||||||||
|
||
Bangkok, Thailand — Pinasinayaan nitong Biyernes, Setyembre 8, 2017, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Tour ng "Belt and Road." Dumalo rito ang mahigit isang daang panauhin mula sa Tsina, Indonesia, Singapore, Thailand, at iba pang bansa.
Ang nasabing aktibidad ay itinaguyod ng Thai-ASEAN Plus6 Business Promotion Association. Ayon sa host, layon nitong tugunan ang "Belt and Road" Initiative at mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungang Sino-ASEAN sa larangan ng kabuhayan at kalakalan, kultura, at lipunan.
Nabatid na magkakasunod na papasok ang ASEAN Tour sa iba't-ibang bansang ASEAN na ang Indonesia ay magiging susunod na hinto ng aktibidad na ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |