Ipinahayag Martes, Oktubre 10, 2017, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang mabuting kapitbansa ng Bangladesh at Myanmar, umaasa siyang pananatilihin ng nasabing dalawang bansa ang diyalogo at pagsasanggunian para maayos na lutasin ang mga hidwaan. Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na patingkarin ang konstruktibong papel para rito.
Kaugnay ng isyu ng mga refugees ng Myanmar sa Bangladesh, sinabi ni Hua na alam ng Tsina na isinagawa ng natuarng dalawang bansa ang direktang diyalogo hinggil dito. Sinabi rin niyang hinangaan ng panig Tsino ang positibong atityud at mga hakbangin ng dalawang bansa para lutasin ang isyung ito.
Bukod dito, sinabi ni Hua na ipinagkaloob ng Tsina ang mga pangkagipitang makataong tulong sa pamahalaan ng Bangladesh para rito at nakahandang patuloy na ipagkaloob ang mga tulong sa abot ng makakaya nito.