Ayon sa pinakahuling ulat ngayong araw, Lunes, ika-9 ng Oktubre 2017 ng kapulisan ng Bangladesh, umabot sa 12 ang bilang ng mga nasawi sa lumubog na barko, na sakay ang mga Rohingya mula sa Myanmar.
Ayon sa ulat, naglayag ang naturang barko mula Myanmar patungong Bangladesh, at lumubog ito kagabi sa ilog-hanggahan ng dalawang bansa.
Kabilang sa 12 nasawi, may 10 bata, 1 lalaki, at 1 babae. Nawawala pa ang marami pang pasahero sa barko.
Tinataya ng kapulisan ng Bangladesh, na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi. Patuloy sa paghahanap at pagliligtas ng mga nawawala ang coast guard at border troop ng Bangladesh.
Salin: Liu Kai