Oktubre 8, 2017 ng gabi-Isang barko ng Myanmar ang lumubog sa ilog-hanggahan ng Myanmar at Bangladesh. Hanggang sa kasalukuyan, dalawa katao ang naiulat na namatay, 8 ang nailigtas, at 30 iba pa ang nawawala. Patuloy ang isinasagawang paghahanap at pagliligtas ng kapulisan at panig militar ng Bangladesh. Pinaniniwalaang Rohingya refugees ang lulan ng barko.
Noong Agosto 25, 2017, sapul ng maganap ang sagupaang panrelihiyon sa lalawigang Rakhine ng Myanmar, mahigit isang daang mamamayan ang napatay. Dahil dito, maraming Rohingya na naninirahan doon ang tumakas sa Myanmar upang umiwas sa kaguluhan at humingi ng asylum sa Bangladesh.