Miyerkules, Oktubre 11, 2017, lumisan ng Chiang Rai, Thailand, patungong timog ang komboy ng kauna-unahang "Biyaheng Pangkultura ng Lancang-Mekong River," para pasimulan ang kinauukulang pagbisita sa Thailand. Ang nasabing biyahe ay naglalayong pasulungin ang pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya.
Bibisita ang komboy sa maraming lalawigan sa hilaga at hilagang-silangang Thailand. Pagkatapos nito, magsasadya sa Phnom Penh ng Kambodya at Vientiane ng Laos ang komboy.
Ang Biyaheng Pangkultura ng Lancang-Mekong River ay inilunsad batay sa "Biyahe ng Kultura at Turismo ng Tsina at Thailand" nitong nakalipas na ilang taon. Upang mapalawak ang pagpapalitang pangkultura, pangkabuhayan, pangkalakalan, at panturismo sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Mekong River, at mapahigpit ang pag-uunawaan ng kani-kanilang mga mamamayan, sa kasalukuyang taon, inilakip sa kauna-unahang pagkakataon sa biyahe ng komboy ang mga lunsod sa Laos at Kambodya.
Salin: Vera