Ningbo, probinsyang Zhejiang ng Tsina — Bilang isa sa mga pangunahing aktibidad ng Ika-15 Asian Arts Festival, idinaos nitong Linggo, Setyembre 24, 2017, ang Lancang-Mekong Cultural Forum. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa porum ang mga opisyal ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Luo Shugang, Ministro ng Kultura ng Tsina, na ang komprehensibong pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ng Lancang-Mekong River ay angkop sa pangkalahatang tunguhin ng pagtatatag ng Asian Community of Common Destiny . Ito aniya ay nakakatulong sa pagsasakatuparan ng kaunlaran at kasaganaan ng Asya.
Pinagtibay sa porum ang "Ningbo Declaration" kung saan buong pagkakaisang ipinahayag ng mga kalahok ang kahandaang palakasin ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan upang mapalalim ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng