Phnom Penh, Kambodya—Martes, ika-10 ng Oktubre, 2017, pormal na itinatag dito ang Sekretaryat ng Kambodya hinggil sa Lancang-Mekong Cooperation.
Dumalo sa seremonya ng pagtatatag sina Prak Sokhonn, Ministro ng Mga Suliraning Panlabas at Kooperasyong Pandaigdig ng Kambodya, Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, at ang mga diplomata ng ibang kasaping bansa ng Lancang-Mekong Cooperation.
Sinabi ni Prak Sokhonn na ang Lancang-Mekong Cooperation ay mahalagang sub-region cooperation mechanism. Pasusulungin aniya nito ang kooperasyon at kaunlaran sa 5 may priyoridad na aspektong kinabibilangan ng connectivity, kooperasyon sa production capacity, transnasyonal na kooperasyong pangkabuhayan, kooperasyon sa yamang-tubig, agrikultura at pagbabawas sa kahirapan.
Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Xiong Bo na nakahanda ang panig Tsino na makipagtulungan sa panig Kambodyano at iba pang may kinalamang panig, para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng Lancang-Mekong Cooperation.
Salin: Vera