Ipinatalastas Huwebes, Oktubre 12, 2017 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang desisyong umurong mula sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Magkakabisa ito sa Disyembre 31, 2017.
Kabilang sa mga dahilan ng nasabing kapasiyahan ng Amerika ay tumataas na "unpaid dues", at pagkiling ng nasabing organisasyon laban sa Israel. Sa hinaharap, lalahok ang bansa sa mga aktibidad ng UNESCO bilang pirmihang tagapagmasid.
Ipinahayag naman ni Irina Bokova, Director-General ng UNESCO ang matinding kalungkutan sa nabanggit na kapasiyahan ng Amerika. Aniya, kawalan ito sa multilateralismo. Idinagdag pa niyang ang misyon ng UNESCO ay pasulungin ang pagtatatag ng mas makatwiran, pantay, at mapayapang ika-21 siglo. Hindi pa natutupad ang nasabing misyon at kinakailangan ito ng lahat ng kasaping bansa ng UNESCO.
Salin: Jade
Pulido: Mac