Hiniling kahapon, Sabado, ika-14 ng Oktubre 2017, ng Ministring Panlabas ng Syria, sa tropa ng Turkey, na agarang umurong mula sa Syria.
Sinabi ng naturang ministri, na ang pagpasok ng tropa ng Turkey sa lalawigang Idlib sa hilagang kanlurang Syria, ay walang pahintulot ng panig Syrian, at ito ay lumalapastangan sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Syria. Dagdag nito, ang aksyong ito ng Turkey ay walang kinalaman sa kasunduang narating sa pulong hinggil sa isyu ng Syria, na idinaos kamakailan sa Astana, Kazakhstan.
Samantala, natamo ng Syria ang ilang malaking tagumpay sa paglaban sa Islamic State.
Sinabi kahapaon ng panig militar ng Syria, na nabawi nila ang Mayadeen, mahalagang bayan ng lalawigang Deir ez-Zor sa silangang bahagi ng bansa, na sinakop minsan ng Islamic State.
Ipinahayag naman ng Syrian Democratic Forces, na sa loob ng darating na ilang araw, sasamsamin nila ang Ar Raqqah, punong himpilan ng Islamic State sa Syria.
Salin: Liu Kai