Si Zhang Yan, isang container crane operator, naglalakad patungo sa kanyang opisina na nasa isang napakatataas na lugar sa container terminal ng Yangshan Port sa Shanghai,Tsina noong Setyembre 26, 2017. Ipinanganak noong 1980s, si Zhang ay inihalal bilang delegado na dadalo sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (Communist Party of China o CPC) na gaganapin sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 23, 2017.
Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.
Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.
Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.
Salin: Mac
Web-edit: Jade