Ipininid kahapon, Sabado, ika-14 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ang ika-7 Sesyong Plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa pagkakatiwala ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, ginawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang work report sa naturang sesyon.
Tinalakay at pinagtibay din sa sesyon ang report ng ika-18 Komite Sentral sa ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, work report ng CPC Central Commission for Discipline Inspection sa kongreso, at amendment sa CPC Constitution.
Ang tatlong dokumentong ito ay isusumite sa ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.
Salin: Liu Kai