|
||||||||
|
||
Si Wolfram Adolphi na taga- Potsdam, Alemanya ay kilalang dalubhasa sa mga isyu ng Tsina. Sinabi ng 66 taong gulang na iskolar Aleman na noong 1976, nagsimula na siyang mag-aral hinggil sa Tsina. Maraming beses din siyang pumunta sa Tsina. Ang kanyang larangan ng pananaliksik ay may kinalaman sa kasaysayan ng pag-unlad ng Tsina, pangangasiwa sa bansa ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at ugnayan ng Tsina at Alemanya.
Noong 2014, inilathala ang Xi Jinping: The Governance of China sa wikang Aleman. Sinabi ni Adolphi na sa nasabing libro, mababasa ang paninindigan, pananaw at mungkahi ni Pangulong Xi sa pag-unlad ng Tsina at pakikipag-ugnayan ng Tsina sa daigdig. Inspirasyonal aniya ang libro. Idinagdag niyang kasalukuyang sinusulat niya ang isang artikulo hinggil sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap at nagsisilbing magandang reperensiya ang libro ni Xi.
Si Wolfram Adolphi habang nagtatrabaho (Photo credit: CRI German Service )
Si Wolfram Adolphi na may hawak na librong Xi Jinping: The Governance of China sa wikang Aleman (Photo credit: CRI German Service )
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |