Si Jiang Yijia (kanan), Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (Communist Party of China o CPC) komite ng Gongshi Village, habang nangangasiwa sa itinatayong service center para sa mga residente ng Gongshi Village ng Pengxi County, lalawigang Sichuan, timog-kanluran ng Tsina noong Mayo 4, 2017. Si Jiang ay isang matagumpay na mangangalakal at nagbalik sa kanyang nayong tinubuan bilang isang miyembro ng CPC sa edad na 49 upang tumulong sa kanyang mga kababayang makaalpas sa kahirapan. Dadalo si Jiang bilang kinatawan sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC na gaganapin sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 23, 2017.
Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.
Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.
Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.
Salin: Mac
Web-edit: Jade