|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Dr. Pierre Picquart, ng University Paris 8, eksperto ng Pransya sa mga isyung Tsino na tiyak na malaking maaapektuhan ang buong daigdig ng direksyong pangkaunlaran na itatakda sa 19th National Congress of the Communist Party of China (CPC).
Nakatakdang idaos samakalawa, Oktubre 18, 2017 ang 19th National Congress of the Communist Party of China (CPC) sa Beijing, Tsina.
Sinabi ni Picquart, nitong apat na taong nakalipas pagkatapos ng Ika-18 Pambansang Kongreso, iniharap ng CPC ang isang serye ng bagong ideya, bagong kaisipan at bagong estratehiya. Halimbawa, batay sa One Belt One Road Initiative (OBOR) na iniharap ng Tsina, kasabay ng pagpapanatili ng sariling pagbubukas sa labas at kooperasyon sa ibang bansa, napapasulong din ang globalisasyon.
At sa loob ng bansa, habang komprehensibong napapalalim ang reporma at napapasulong ang pagkapantay-pantay ng lipunan, nagsisikap pa ang Tsina para matupad ang berde, sustenableng kaunlarang pangkabuhayan at mapaunlad ang malinis na enerhiya, dagdag pa ni Picquart.
Bukod dito, aktibong lumahok aniya pa ang Tsina sa mga aktibidad ng pangangasiwa sa daigdig at nagharap ng ilang mungkahi sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan at kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Tungkol sa gaganaping Ika-19 National Congress ng CPC, ipinahayag ni Picquart na itatakda ng CPC ang mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina sa pulong, at umaasa pa siyang matatamo ang mas malaking progreso ng Tsina pagkatapos ng pulong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |