Idinaos ngayong araw, Martes, ika-17 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ang unang news briefing ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa news briefing, isinalaysay ni Tagapagsalita Tuo Zhen, na sa unang sesyong plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, na idaraos pagkatapos ng nabanggit na kongreso, ihahalal ang bagong liderato ng CPC.
Ayon pa rin kay Tuo, pagkatapos ng naturang sesyong plenaryo, makikipagtagpo sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan, ang mga miyembro ng bagong Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Salin: Liu Kai