Idaraos bukas, Oktubre 18, 2017 ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at ito'y binigyang pansin ng iba't ibang panig ng daigdig. Ayon sa mga eskpertong dayuhan, ito ay isang pagkakataon para sa labas na marinig ang istorya at pag-aralan ang karanasan ng Tsina.
Sinabi ni Laurent Fabius, Constitutional Council of the French Republic na pawang pinag-uukulan ng pansin ng buong daigdig at umaasang patuloy na makakapagbigay ng ambag ang Tsina sa pagpapanatili ng kapayapaan at multi-polarization ng daigdig.
Ipinahayag naman ni David Dollar, beteranong researcher ng John L. Thornton China Center ng Brookings Institution na umaasa siyang pagkatapos ng gaganaping Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, makapagbibigay ng bagong puwersang pantulak sa reporma ng sistemang pangkabuhayan. Hindi ito magbiyaya lamang sa mga mamamayan ng Tsina, kundi magbigay ng bagong pagkakataon sa mga kompanyang Amerikano.
Sinabi ni Prof. Do Tien Sam, Ph.D., dating director ng Institute of Chinese Studies ng Vietnam Academy of Social Sciences na bilang naghaharing partido, isinasabalikat ng CPC ang pag-asa ng mga mamamayang Tsino.