Idinaos ngayong araw, Martes, ika-17 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ang unang news briefing ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Isinalaysay ni Tagapagsalita Tuo Zhen ang agenda ng naturang kongreso, na bubuksan bukas ng umaga.
Ayon kay Tuo, pitong araw ang kongresong ito, na lalahukan ng 2280 kuwalipikadong delegado. Ang mga pangunahing agenda aniya, ay kinabibilangan ng pagsusuri sa report ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, pagsusuri sa work report ng CPC Central Commission for Discipline Inspection, pagsusuri at pagpapatibay ng amendment sa CPC Constitution, paghalal ng ika-19 na Komite Sentral, at paghalal ng ika-19 na Central Commission for Discipline Inspection.
Sinabi ni Tuo, na ang pagsususog sa CPC Constitution ay isang mahalagang tungkulin ng nabanggit na kongreso. Aniya, ilalakip dito ang mga mahalagang ideya ng teoriya at estratehikong konsepto, na itatakda sa kasalukuyang kongreso.
Salin: Liu Kai