Sinabi ngayong umaga, Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na pumasok sa bagong panahon ang sosyalismong may katangiang Tsino. Ito aniya ay isang bagong "historic juncture" sa pag-unlad ng Tsina.
Dagdag ni Xi, sa bagong panahong ito, dapat pag-ibayuhin ng Tsina ang pagsisikap para sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas at isang modernong bansang sosyalista, dapat isakatuparan ang komong kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan at "Chinese Dream" ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino, at dapat walang humpay na magbigay ng mas malaking ambag sa sangkatauhan.
Ang bagong panahon ng sosyalismong may katangiang Tsino ay isang konsepto, na nabuo nitong nakalipas na limang taon, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, at iniharap ng Tsina sa kauna-unahang pagkakataon. Ito ay mahalaga para sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.
Salin: Liu Kai