Nitong limang taong nakalipas sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), buong tatag na pinapalakas ng CPC ang sariling konstruksyon para mapalakas ang pamamahala at pangangasiwa sa partido. Sa ngayon, walang humpay na pinabubuti ang sistemang pambatas sa loob ng CPC, at puspusan nitong nilulutas ang mga problemang binibigyan ng pinakamalaking pansin ng mga mamamayan na tulad ng buong higpit na pakikibaka laban sa korupsyon.
Ito ang winika ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC. Ang CPC National Congress ay idinaraos kada limang taon.
Salin: Li Feng