Sa kanyang report sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na binuksan ngayong umaga, Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2017, sa Beijing, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, nitong 5 taong nakalipas, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, pinasulong ng Tsina ang komprehensibong diplomatic agenda sa iba't ibang antas at aspekto.
Sinabi ni Xi, na nitong 5 taong nakalipas, isinagawa ng Tsina ang major country diplomacy na may katangiang Tsino. Aniya, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng "Belt and Road" Initiative, pagtataguyod ng Asian Infrastructure Investment Bank, pagharap ng pagtatatag ng community with a shared future for mankind, at iba pa, nagbigay ang Tsina ng bagong malaking ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Liu Kai