Oktubre 18, 2017, Beijing--Isang oras bago buksan ang ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tumanggap ng panayam sa sentrong pambalitaan ang mga delegado ng CPC mula sa mga media sa loob at labas ng bansa para ihatid ang kanilang gawain at mga responsibilidad sa nasabing pagtitipon.
Ito ang kauna-unahang pagdaraos ng ganitong aktibidad sa kasaysayan ng CPC National Congress.
Sinabi ni Jing Haipeng, astronaut na Tsino at delegado mula sa People's Liberation Army (PLA), na nakahanda siyang lumahok sa isa pang pagsubok na pangkalawakan para magbigay ng ambag sa usaping pangkalawakan ng Inang Bayan.
Lumahok sa pulong ang 2,280 delegado ng CPC na mula sa iba't ibang sektor ng buong Tsina. Kinakatawan nila ang mahigit 4.5 milyong unit ng CPC at mahigit 89 milyong miyembro ng partido.
Sinabi ni Kinatawan Rencibazhen, isang doktor ng obstetrics at gynecology mula sa Ali ng Tibet, na sa ilalim ng pamumuno ng CPC, bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang lokal.
Nitong limang taong nakalipas, isinapubliko aniya ng CPC ang mga patakaran para pabutihin ang kondisyon ng pag-aasikaso sa mga butis at bagong silang na sanggol. Sinabi niyang dahil dito, bumaba ang mortalidad ng mga nagbubutis at bagong silang na sanggol sa lokalidad.