Inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang buong tatag na pananangan ng bansa sa nagsasariling patakarang panlabas na pangkapayapaan.
Binigyang diin niyang iginagalang ng Tsina ang karapatan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa sarilinang pagpili ng landas ng pag-unlad.
Hindi nagbabago at hindi magbabago ang pangako ng Tsina na hindi kailan man isagawa ang hegemonismo, dagdag pa niya.
Ito ang ipinahayag ni Xi sa kanyang ulat sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaraos mula Oktubre 18 hanggang 24, 2017, sa Beijing.
Salin: Jade
Pulido: Mac