Ipinahayag Oktubre 17, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang bansa na patuloy na magbigay-tulong, alinsunod sa pangangailangan ng Pilipinas, sa post-war settlement at rekonstruksyon ng Marawi.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa deklarasyon kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kalayaan ng Marawi.
Ipinahayag ni Lu na ang pakikibaka laban sa terorismo ay panhalat na tungkulin ng komunidad ng daigdig. Taos-puso aniya siyang umaasa na mapapanumbalik ang mapayapaang pamumuhay ng mga mamamayan sa Marawi at Mindanao, sa lalong madaling panahon.