Ipinahayag Hulyo 19, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol sa pagpapataw ng Amerika ng sangsyon laban sa 11 Iran-related entities and 7 individual, na kinabibilangan ng mga pribadong bahay-kalakal at indibiduwal ng Tsina.
Noong ika-18 ng buwang ito, sa isang pahayag na inilabas ng Konseho ng Estado ng Estados Unidos, positibo ito sa pagpapatupad ng Iran sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), at sususpendihin ng Amerika ang pagpapataw ng nuklear na sangsyon sa Iran, alinsunod sa JCPOA. Samantala, binatikos anito ang paglulunsad ng Iran ng ballistic missile, at pagbibigay nito ng tulong sa terorismo. Bukod dito, ipinatalastas din anito ng Amerika ang pagpapataw ng sangsyon laban sa nasabing mga bahay-kalakal at indibiduwal.
Ipinahayag ni Lu na tinututulan ng Tsina ang lahat ng mga proliferation activity, at tutupdin ng Tsina ang mga pandaigdigang obligasyon at pangako. Samantala, tinututulan din aniya ng Tsina ang pagsasagawa ng mga bansa ng umano'y "long arm jurisdiction" sa ibang bansa, batay sa kani-kanilang batas. Ito aniya'y hindi makakatulong sa pagpapalakas ng tiwala sa pagitan ng mga may-kinalamang panig, at sa pagtutulungan nila sa paglutas sa mga isyung pandaigdig. Idinagdag ni Lu na bilang huwaran sa paglutas ng mga mainit na isyung pandaigdig, na kinabibilangan ng pagpigil sa pagpapalaganap sa pamamagitan ng paraang diplomatiko at pulitikal, ang JCPOA ay ang bungang natamo ng multilateralismo. Aniya, nitong dalawang taong nakalipas sapul ng paglalagda sa JCPOA, totohanang nagpapatupad ang Iran ng mga may-kinalamang hakbang sa larangang nuklear, at walang tigil na humihigpit ang pakikipagtulungan nitong pangkabuhayan at pangkalakalan sa ibang bansa. Ito aniya'y angkop sa komong mithiin ng komunidad na daigdig. Inaasahang isasabalikat ng ibat-ibang panig ang responsibilidad sa pangangalaga at pagpapatupad sa nasabing kasunduan, dagdag pa niya.