NANAWAGAN si Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra sa mga lider ng iba't ibang samahan ng mga tsuper na makipag-usap na lamang sa halip na mag-welga.
Ito ang kanyang mensahe sa pagharap sa House of Representatives, Magugunitang nagdaos ng dalawang araw na welga o tigil-pasada ang mga kasapi ng PISTON, ang Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide noong nakalipas na Lunes at Martes. Sinabi ng PISTON na ang pagpasok ng makabagong jeepney ay isang paraan upang mawala ang mga sinasakyan ng mga karaniwang tao.
Itinanggi ni Board Member Aileen Lizada na mayroong phaseout sa mga pampasaherong jeepney sa pagpasok ng mas maganda at malinis na sasakyan.