|
||||||||
|
||
PUMANAW na si Ricardo J. Cardinal Vidal, ang pinakamatanda at pang-apat na cardinal mula sa Pilipinas kaninang bago sumpit ang ikapito at kalahati ng umaga. Siya rin ang pinakamatanda sa apat na nabubuhay na cardinal ngayon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Msgr. Josephg Tan, tagapagsalita ng Archdiocese of Cebu na nagkaroon ng impeksyon na naging dahilan ng "septic shock."
GagawIn ang paglalamay sa labi ng cardinal sa Cebu cathedral at ipababatid na lamang kung kailan ang paghahatid sa huling hantungan. Isigunod sa Perpetual Succour Hospital sa Cebu City ang cardinal noong nakalipas na Miyerkoles, ika-11 ng Oktubre.
CARDINAL VIDAL, NAMAYAPA NA. Pumanaw na si Arsobispo Ricardo J. Cardinal Vidal ng Cebu kaninang umaga sa edad na 85 taong gulang, Isa siya sa mga ipinagpipitagang mga pinuno ng Simbahan sa Pilipinas. (File Photo/Melo Acuna)
Sa pahayag ni CBCP President Archbishop Socrates B. Villegas, sinabi niyang magpapatuloy ang magagandang nasimulan ng cardinal kahit pa namayapa na.
Ani Arsobispo Villegas, makakasama na ni Cardinal Vidal ang mga taos-pusong naglingkod sa pananampalataya. Nadama rin ang kanyang lalim ng pag-unawa, pagmamahal sa kanyang mga pari at marubdob na debosyon sa Birheng Maria.
Hiniling din ni Arsobispo Villegas na ipanalangin ng yumaong cardinal ang kanyang mga naiwan.
Sinabi naman ni Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo na isang tunay na "servant-leader" ang namayapa sa halip na naging prinsipe ng Simbahan.
Nakilala niya at naaalala niya ang kababang-loob ng namayapang cardinal. Madaling makausap ng mga nangangailangan at ang kakayahang makinig sa mga pananaw ng magkakalaban at magkakatunggaling panig. Nanindigan ang cardinal na pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines noong kasagsagan ng EDSA People Power. Mapagpatawad din sa mga kumilala sa kanyang kalaban.
Isinilang sa Mogpog, Marinduque at naordenan sa pagkapari noong 1956 ni Bishop at Servant of God Alfredo Maria Aranda Obviar. Isa siya sa mga nagkomunyon noong International Eucharistic Congress sa Maynila noong 1936.
Hinirang siya ng dati at ngayo'y Santo Pope John Paul II bilang Arsobispo ng Cebu noong 1982. Nagbitiw siya sa pagiging Arsobispo ng Cebu noong 2011.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |