Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(Special Report) Mga kahilingan ng mga mangangalakal, ipagkakaloob kay Pangulong Duterte

(GMT+08:00) 2017-10-19 18:27:17       CRI

SA pagtatapos ng ika-43 Philippine Business Conference and Expo, hiniling ng mga mangangalakal na nagpulong mula kahapon ang ilang mahahalagang bagay sa larangan ng pamahalaan, sa ehekutibo at maging sa lehislatura.

Sa pamamagitan ng mga resolusyon, hiniling nila sa Department of Agriculture at Department of Trade and Industrment na ipatupad ang Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Expo sa buong bansa sa pamamagitan ng pagkilala sa mga nangungunang produtko na susuportahan sa paggamit ng geo mapping at pagkakaroon ng kaukulang impormasyon sa pribadong sektor. Hiniling din nila ang pagkakaroon ng database at market profiling upang makita ng mga magsasaka, producer at gumagamit ng mga produktong ito.

Kailangan din umano ang pagkakaroon ng centralized monitoring mechanism upang makita ang pagsunod at nagagawa ng ASPIRE deliverables.

Sa larangan ng Edukasyon, hiniling nila sa pamahalaan at sa Department of Education na palakasin ang health and nutrition program sa mababang paaralan upang mapahusay ang kanilang kakayahang matuto. Kailangang suportahan ang K-12 program sa pagkakaroon ng diin sa Technical Vocation courses.

Hiniling ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Department of Energy at sa Department of Finance sa pamamagitan ng National Government na madaliin ang paglutas sa Malampaya Tax issue sa pagitan ng Department of Energy at Malampaya Gas Service contractors upang mapatibay ang paggalang sa kontrata at makatawag-pansin sa mga investor at makapagbahagi ng economic opportunities sa upstream ng energy sector.

May resolusyon din ang PCCI na nananawagan sa Energy Regulatory Commission na madaliin ang desisyon sa walong Power Supply Agreements na may lakas na 3,551 megawatts na hindi pa ginagalaw ng Commission upang matiyak ang sapat at maasahang daloy ng kuryente upang mapanatili at mapabilis ang paglawak ng ekonomiya.

Kailangan ding ipatupad ng mga pamahalaang lokal ang nilalaman ng Republic Act 9003 upang matugunan ang land based wastes na nakasasama sa pagdaloy ng tubig sa mga ilog na nauuwi sa karagatan o lawa. Nanawagan din ang mga mangangalakal sa National Solid Waste Management Commission na magmonitor sa pagpapatupad ng solid waste management plans ng mga pamahalaang lokal.

Hiniling ng PCCI sa pamahalaang madaliin ang Presidential Proclamation ng mga economic zone applications na nakapasa na sa Department of Trade and Industry upang magkaroon ng mas maraming economic opportunities sa mga rehiyon.

Nanawagan din sila sa Department of Finance at Bureau of Customs na kilalanin ang pagpapatupad ng Pre-shipment Inspection na hindi ayon sa Revised Kyoto Convention at magamit ang mga pamamaraan upang masugpo ang smuggling.

Hiniling ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Senado at Kongreso na ipatupad ang mga panukalang batas tulad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act, Public Service Act, panukalang batas na bumubuo sa Regional Investment and Infrastructure Cooperation of Central Luzon, pagsusog sa Local Government Code, Expanded Anti-Red Tape Act, Customs Amnesty Act, Estate Tax Amnesty, pagbibigay ng amnesty sa lahat ng hindi nabayarang internal revenue taxes na ipinatutulad ng National Government sa taxable year 2015 at mga nakalipas pang taon.

Isang resolusyon din ang ipinasa na nananawagan sa Bureau of Local Government at Local Government Units na pagbalik-aralan, gawing mas simple at ayusin ang proseso, requirement at mga bayarin sa business registration, licenses at pagsasara ng kalakal.

Kailangan din ng PCCI na kilalanin ng Department of Trade and Industry at Department of Transportation na maglaan ng joint department order sa paglalathala ng international shipping fees at iba pang bayaran upang magkaroon ng maayos na singil ang traders, importers at exporters kung aling shipping lines ang nag-aalok ng maayos na singil.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>