|
||||||||
|
||
Si Yang Fengji (kaliwa), CPC Secretary ng Nayon ng Tianbiao, habang ipinakikita ang pagkuha ng goma mula sa puno sa mga kabataang taga- Tianbiao Village sa Baisha Li Autonomous County, lalawigang Hainan noong Setyembre 29, 2017.
Tinulungan ni Yang ang mga mamamayan ng Li ethnic group na makatakas sa kahirapan, salamat sa industriya ng goma simula noong 1998. Ang karaniwang kita (per capita annual income) sa lugar ay umabot sa 9,000 yuan (1,366 U.S. dollars) sa kasalukuyan, malaki ang itinaas nito kumpara sa 600 yuan na kita 19 na taon na ang nakalilipas.
Si Yang ay inihalal bilang delegado sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Communist Party of China o CPC na ginaganap sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 24, 2017.
Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.
Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.
Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.
Salin: Mac
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |