Sa kanyang talumpati sa opening meeting ng ika-19 na National Congress ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Oktubre 18, 2017, nanawagan si Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa ng buong daigdig na magkakasamang magsikap para itatag ang Community of Human Destiny.
Nanawagan din siyang itatag ang isang mundong malinis, maganda, pangmatagalang mapayapa, malawakang matiwasay, komong masagana, at bukas.
Bukod dito, sinabi ni Xi na palagiang nagsisikap ang CPC para magbigay ng mas malaki at bagong ambag para sa buong sangkatauhan.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng komunidad ng daigdig na ang konstruksyon ng Community of Human Destiny ay nakakatulong nang malaki sa katatagan ng pandaigdigang kalagayan at magandang kinabukasan ng buong sangkatauhan. Ang mungkahing ito, anila, ay magandang plano at karunguang ambag ng Tsina para sa konstruksyon at reporma sa global governance system.
Sinabi ni Sergey Zheleznyak, Deputy Secretary ng General Council ng United Russia Party, na ang mga mungkahi na iniharap ng CPC na gaya ng Community of Human Destiny at "Belt and Road" Initiative ay nagpapasulong ng pagpapalitan ng iba't ibang bansa sa kabuhayan, kalakalan, kultura, inobasyon at seguridad. Sinabi pa niyang ang Tsina ay tagapagtanggol ng kapayapaang panrehiyon at pandaigdig, at matapat na kaibigan ng mga bansa sa daigdig.