Sa isang kolektibong panayam ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan, na ginawa kahapon, Biyernes, ika-20 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ipinahayag ni Xia Yongmin, Direktor ng Western Asia and Africa Broadcasting Center ng China Radio International (CRI), at delegado sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, na mahalaga ang pagpapalitang pangkultura para sa iba't ibang bansa.
Sinabi ni Xia, na ang pagpapalitang pangkultura ay magandang paraan, para alisin ang di-pagkakaunawaan at mis-understanding sa pagitan ng iba't ibang bansa, dahil sa kani-kanilang mga pagkakaiba sa sistemang panlipunan, landas ng pag-unlad, tradisyonal na kaugalian, at iba pa. Ito rin aniya ay mahalaga para sa pag-uugnay ng puso ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Dagdag ni Xia, nitong ilang taong nakalipas, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapalitang pangkultura, at isinasagawa ang mga hakbangin para pasulungin ito. Halimbawa aniya, ginawa ng CRI at media ng marami iba pang bansa, ang mga aktibidad ng pagpapalitang pangkultura, na gaya ng magkakasamang media coverage sa iba't ibang bansa, pagpapalitan ng mga radio at TV program para sa pagsasahimpapawid sa isa't isa media, at iba pa.
Salin: Liu Kai