Idinaos kahapon, Biyernes, ika-20 ng Oktubre 2017, sa Beijing ang ika-2 pulong ng Presidium ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Ipinasiya sa pulong ang pagbibigay ng mga panukalang resolusyon hinggil sa report ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, work report ng CPC Central Commission for Discipline Inspection, at amendment sa CPC Constitution, sa mga delegasyon ng kasalukuyang kongreso, para sa pagtalakay.
Pinagtibay din sa pulong ang mga listahan ng mga kandidato, na magiging member at alternate member ng ika-19 na Komite Sentral ng CPC, at member ng CPC Central Commission for Discipline Inspection. Ihaharap din ang mga listahang ito sa iba't ibang delegasyon, para sa pagsusuri.
Salin: Liu Kai