NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng pamahalaan at Simbahan sa kanyang pagbibigay-galang sa yumaong Arsobispo Ricardo J. Cardinal Vidal sa Cebu Metropolitan Cathedral kanina.
Kailangang magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga Katoliko at maging mga Muslim.
Dumalaw si Pangulong Duterte kaninang umaga sa lamay ni Cardinal Vidal. Obligasyon umano niyang magbigay-galang bilang isang kasapi ng simbahang Katolika maliban sa pagiging Cebuano at Pangulo ng republika.
Ayon sa pangulo, nagugunita niya si Cardinal Vidal na isang alagad ng kapayapaan. Nangako siyang idideklarang opisyal ang araw ng Huwebes, ika-26 ng Oktubre, araw ng libing ng yumaong cardinal, na isang piyesta opisyal sa Cebu.
Wala umanong masasabing masama sa mga nagawa ng namayapang cardinal sa edad na 86.