Vientiane, Laos-idinaos kahapon, Oktubre 22, 2017 ang roadshow ng komboy ng "Biyaheng Pangkultura ng Lancang-Mekong River."
Dumalo sa seremonya ng pagsalubong sina Bosengkham Vongdara, Ministro ng Impormasyon, Kultura at Turismo ng Laos at Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Laos.
Ang nasabing komboy ay binubuo ng 13 sasakyan, at 40 miyembrong kinabibilangan ng mga mamamahayag ng Tsina at Thailand.
Noong Setyembre 24, 2017, nagsimula sila ng biyahe mula Ningbo, lalawigang Zhejiang, Tsina. Dumaan sila sa magkakasunod na limang lalawigan sa loob ng Tsina, na kinabibilangan ng Zhejiang, Fujian, Guangdong, Guangxi, at Yunnan. Pagkatapos ay magsasadya sila sa Thailand, Kambodya at Laos. Hangad ng biyaheng ito ang makulay na promosyong pangkultura at panturismo.