|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (Communist Party of China, CPC) na ang CPC ay dapat manangan sa pilosopiya ng pag-unlad, kung saan ang mga mamamayan ang ipinapauna para magkaroon ng matatag na progreso ng pagpapasulong ng "sense of fulfillment" at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan para sa lahat.
Ito ay ipinahayag ni Xi sa kanyang pagpapakilala sa press sa ibang mga bagong miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Ipinahayag din niyang, "ang aspirasyon ng mga mamamayan na magkaroon ng mas mabuting pamumuhay ay dapat palagiang manatiling pokus ng ating pagsisikap."
"Wala akong duda sa aking isip na ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino ay aani ng ibayo pang pagbuti sa susunod na mga taon," dagdag pa niya.
Inulit niya ang resolusyon, na itatag ang may kaginhawang lipunan o "moderately prosperous society" sa taong 2020. "Sa lipunang ito, dapat mag-enjoy ang bawat mamamayang Tsino, at sa martsa patungong komong kasaganaan, walaang dapat maiwan."
Naihalal sa kapipinid na unang sesyong plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga bagong miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Kabilang sa mga bagong miyembro ay Xi Jinping, Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji at Han Zheng.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |