Inabuloy Martes, ika-24 ng Oktubre, 2017 ni Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas, ang 47 sets ng heavy equipment sa pamahalaan ng Pilipinas bilang suporta sa rekonstruksyon ng Marawi pagkatapos ng digmaan.
Kabilang sa mga equipment ang dump trucks, cement mixers, excavators at bulldozers na nagkakahalaga ng halos 3 milyong US dollars.
Inihatid na ang naturang mga makinarya sa Iligan City noong ika-9 ng Oktubre.
Sa seremonya ng paghahandog, sinabi ni Mark Aguilar Villar, Secretary of Public Works and Highways, na ang pagsaklolo ng pamahalaang Tsino at mga mamamayang Tsino ay nakakatulong nang malaki sa rekonstruksyon sa Marawi. Aniya pa, pinasalamatan ito nang malaki ng panig Pilipino.
Sinabi ni Zhao na sa proseso ng rekonstruksyon sa Marawi, nakahanda ang Tsina na ipagkaloob ang mga kinakailangang tulong ng Pilipinas.