Sa panahon ng kanyang paglahok sa pandaigdigang summit ng duty-free at tingiang panturismo sa taong 2017 sa Cannes, Pransya, ipinahayag ni Wanda Tulfo-Teo, Kalihim ng Department of Tourism (DOT) ng Pilipinas na ang pagbisita ng mas maraming turistang Tsino ay makakahikayat ng pamumuhunan ng mas maraming international high-end brand sa Pilipinas.
Aniya, papapasukin ng Pilipinas ang mga international high-end brand para maakit ang mas maraming turistang Tsino. Sa darating na 10 taon, tinayang aabot sa 40% ang karaniwang bahagdan ng duty-free industry ng Pilipinas.
Salin: Vera