Sa panahon ng kanilang paglahok sa Pangkalahatang Asemblea ng UN, Miyerkules, ika-20 ng Setyembre, 2017, nagtagpo sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Wang na sa ilalim ng pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, bumubuti at umuunlad ang relasyong Sino-Pilipino. Dapat aniyang aktibong ipatupad ng kapuwa panig ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan, isaisang-tabi ang iba't ibang hadlang, at pasulungin ang walang humpay na pagtamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ng aktuwal na bunga. Nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Pilipino, na patuloy at aktibong talakayin ang mabisang paraan ng magkasamang paggagalugad sa dagat, dagdag pa ni Wang.
Pinasalamatan naman ni Cayetano ang malaking tulong na ipinagkaloob ng panig Tsino para sa pag-unlad ng Pilipinas, lalong lalo na, ang ibinigay na tulong para sa pagsasagawa ng pamahalang Pilipino ng aksyong laban sa terorismo sa Marawi. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palalimin ang kooperasyon nila ng Tsina sa iba't ibang larangan, at ipadala ang positibong signal ng pagiging mabuti ng relasyong Sino-Pilipino at paggiging matatag ang kalagayan ng South China Sea.
Salin: Vera