Ipinahayag kamakailan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na kasunod ng pagbuti ng relasyong Pilipino-Sino, nakikita na ang positibong resulta sa bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Ito aniya ay nagpapatunay na ang kapasiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakakapagbigay ng aktuwal na pakinabang sa kabuhayan ng Pilipinas.
Sinabi ni Lopez na mula noong Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon, lumaki ng 34% ang halaga ng pagluluwas ng Pilipinas sa Tsina (kabilang ang Hong Kong) kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Aniya, naging balanse na ang balanse of bilateral trade ng dalawang bansa. Pangunahing sanhi nito'y ang paglagda ng purchasing group ng mga bahay-kalakal na Tsino sa kontratang nagkakahalaga ng 1.7 bilyong dolyares, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng