MAWAWALA ang mga taong walang tahanan sa mga lansangan bago pa man maganap ang ASEAN sa susunod na buwan bilang bahagi ng security measures ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, Jr., director general for operations ng ASEAN 2017 National Organizing Council.
Sa isang briefing, sinabi ni Ambassador Paynor na maaaring gamitin ng mga may kakaibang agenda ang mga walang tahanan o 'di kaya'y gamitin ang kanilang pananatili sa mga lansangan upang manabotahe sa idaraos na pulong.
Inihalimbawa niya ang pagkakaroon ng bombang nakatago sa kariton. Ito ang kanyang tugon sa tanong kung bakit naaalis na sa mga lansangan ang mga taong walang tahanan bilang paghahanda ng Metro Manila Development Authority para sa ASEAN meetings na dadaluhan ng mga pinuno ng 21 bansa.