Jakarta, Indonesya-Binuksan Oktubre 24, 2017 ang kauna-unahang komperensiya sa magkasamang pakikibaka laban sa droga ng Tsina at Indonesya. Ipinahayag ng dalawang panig na mapapahigpit ang konstruksyon ng katugong mekanismo para ibayo pang pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan laban sa droga.
Ang delegasyong Tsino ay pinamumunuan ni Wei Xiaojun, namamahalang tauhan sa paglaban sa droga ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina.
Ipinahayag niyang ang priyoridad ng dalawang panig sa usaping ito ay pinapahigpit na pagpapalitan ng impormasyon, at magkasamang pagmamanman at paglutas sa mga kaso. Aniya, bibigyan ng Tsina, hangga't maari ang Indonesya ng mga kasangkapan sa pakikibaka laban sa droga.