Bandung, west Java, Indonesya-Nadakip Agosto 15, 2017 ng kapulisan ang 5 miyembro ng Jamaah Ansharut Daulah(JAD), isang ekstrimistang grupo sa Indonesya.
Ayon sa kapulisan, nakatakdang umatake ang nasabing mga terorista sa ilang target na kinabibilangan ng Palasyong Pampanguluhan, at punong himpilan ng kapulisan sa Jakarta at west Java, sa pamamagitan ng chemical bomb, sa katapusan ng Agosto.
Ayon sa ulat, bilang sangay ng Islamic State, nabuo ang JAD noong 2015, at inilagay ito ng Amerika sa listahan ng mga teroristang organisasyon sa daigdig.