Ginawaran kahapon, Lunes, ika-21 ng Agosto 2017, sa Jakarta, ng Embahada ng Tsina sa Indonesya, ng Chinese Government Scholarship sa taong ito ang 215 estudyanteng Indones. Idinaos din ang seremonya ng pagpapaalam sa naturang mga estudyanteng mag-aaral sa Tsina.
Sinabi ni Sun Weide, Charge d'Affaires ng Embahada ng Tsina sa Indonesya, na sa ilalim ng balangkas ng people-to-people exchanges, lumalakas ang kooperasyong pang-edukasyon ng dalawang bansa. Ayon sa kanya, sa kasalukuyan, mahigit 14 na libong college student ng Indonesya ang nag-aaral sa Tsina, at dahil dito, ang Tsina ay naging ikalawang pinakamalaking destinasyon ng pag-aaral ng mga estudyanteng Indones. Dagdag niya, lumalaki rin ang bilang ng mga estudyanteng Tsino na nag-aaral sa Indonesya.
Salin: Liu Kai